|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Washington D.C. ni Gary Locke, Kalihim ng Komersyo ng Estados Unidos na winiwelkam ng kanyang bansa ang mabilis na pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at nakakabuti ito hindi lamang sa Tsina mismo, kundi sa kabuhayan ng Amerika at buong mundo.
Sa kanyang talumpati sa luncheon na idinaos ng US-China Business Council (USCBC), sinabi ni Kalihim Locke na ang mabilis na paglago ng kabuhayang Tsino ay nakatulong sa milyun-milyong mamamayang Tsino na nakahulagpos sa kahirapan at nabigyan din nito ang mga bahay-kalakal na Amerikano ng napakalaking espasyo ng pag-unlad.
Ipinahayag din niyang ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't Estados Unidos ay pumapasok na sa kritikal na yugto. Aniya pa, ang Tsina ay ikalawang pinakamalaking economy ng mundo at ang pagpapahigpit ng pagtutulungan ng Tsina't Amerika ay makapaglalatag ng magandang pundasyon para sa patuloy na paglaki ng kabuyahan ng mundo.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |