Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CIBN, pormal na naitatag

(GMT+08:00) 2011-01-18 21:22:31       CRI
Pormal na itinatag ngayong araw sa Beijing ng China Radio International o CRI ang China International Broadcasting Network o CIBN at Global Broadcasting Media Group o GMG. Ito ay palatandaang puspusang pumasok na sa larangan ng new media ang CRI na may halos 70 taong kasaysayan. Lumahok sa seremonya ng pagtatatag ang ilang daang personahe na kinabibilangan nina Wang Guoqing, pangalawang puno ng tanggapang pang-impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, Tian Jin, pangalawang puno ng State Administration of Radio, Film and Television ng Tsina, mga tauhan mula sa sirkulo ng media at information technology at mga diplomatang dayuhan sa Tsina.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Wang Gengnian, Presidente ng CRI, na sa pamamagitan ng Internet, mobile telecommunication at iba pang bagong teknolohiya at ng iba't ibang media device, magsasahimpapawid sa daigdig ang CIBN ng iba't ibang uri ng mga programa sa iba't ibang lenguahe. Sinabi niyang,

"Bilang new media international communication platform na nag-uugnay ng Tsina at daigdig, magpapakita ang CIBN ng mga bentahe nitong serbisyo sa 61 wika at katangiang magsahimpapawid sa kapwa audio at video, magbabahagi rin ito ng mga yaman sa impormasyon at may iba't ibang wika para puspusang mapaunlad ang mga new media service na gaya ng Internet TV, mobile phone radio and TV, multimedia mobile broadcasting at iba pa."

Kung ihahambing sa single media, ang CIBN ay sumasalaw sa lahat ng mga media service at ito ay magdudulot ng bagong karanasan sa mga user.

Ipinalalagay ni Ma Weigong, deputy editor-in-chief ng CRI, na ang pagtatatag ng CIBN ay angkop sa pag-unlad ng teknolohiya ng media. Aniya,

"Kung titingnan ang buong daigdig, ang pag-unlad ng media na gaya ng pagdating ng digital new media at reporma sa information technology ay nagdulot ng napakalaking epekto sa mga media. Dapat makita ng mga media ang bagong posisyon at espasyo sa kalagayang ito."

Kasama ng CIBN, itinatag nang araw ring iyon ang Global Broadcasting Media Group o GMG at ito ay magkakaloob ng plataporma ng operasyon at pondo sa CIBN. Ipinahayag ni Wang Gengnian na ang GMG ay isang mahalagang gulugod ng CIBN. Aniya,

"Ang pagtatatag ng GMG ay mag-uugnay ng media service at media industry. Dahil sa bentahe sa katangi-tanging yaman at propesyonal na operasyon, kokoordinahin nito ang pag-unlad ng media service at media industry. Ito ay isang bagong muhon sa kasaysayan ng pag-unlad ng CRI."

Sa background ng dumadalas na pagpapalitan ng Tsina at daigdig, ang pagtatatag ng CIBN ay makakabuti sa ibayo pang pag-unawa ng daigdig sa Tsina at magiging maganda ang kinabukasan nito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>