Ipinakikita ng pinakahuling estadistika na sa panahon ng Spring Festival sa taong ito, 25000 hanggang 26000 manlalakbay ang nakapasa sa Ruili border port sa Lalawigang Yunnan ng Tsina bawat araw at ang karamihan sa kanila ay mga overseas at ethnic Chinese sa Myanmar. Lumaki ang bilang ng mga grupo ng turista na galing sa mga malaking lunsod ng Myanmar na gaya ng Yangon.
Hanggang kamakalawa, nakatanggap na ang Hekou border port ng lalawigang ito ng halos 28000 manlalakbay na Tsino't dayuhan. Sa kalahatan, lumaki ito nang 33% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2010. Kabilang dito, halos 20000 bisitang Tsino ang naglakbay sa Biyetnam na lumaki nang 47%.
Salin: Vera