|
||||||||
|
||
Kasabay ng sunud-sunod na pag-uwi ng mga mamamayan sa Lalawigang Sikaket ng Thailand sa purok-hanggahan ng Thailand at Kambodya, nanumbalik sa normal na sa kabuuan ang kalagayan sa hanggahan ng dalawang bansa. Pero nakatakdang simulan ngayong araw sa UN ang isa pang mainit na labanang diplomatiko. Idinaos nang araw ring iyon ng UN Security Council o UNSC ang closed-door meeting upang malutas ang alitang panghanggahan ng Thailand at Kambodya, bagay na direktang susubok ng kakayahan ng ASEAN sa paglutas sa alitan ng mga kasaping bansa nito.
Noong 2007, nilagdaan ng mga lider ng 10 bansang ASEAN ang ASEAN Charter kung saan binigyang-diing "maresorba ang alitan sa mapayapang paraan". Ang insidente ng pagpapalitan-putok ng Thailand at Kambodya sa pinagtatalunang rehiyon sa paligid ng Preah Vihear Temple mula noong ika-4 hanggang ika-7 ng buwang ito ay pinakagrabeng sagupaang bilateral sapul nang lagdaan ang Asean Charter.
Pagkaraang sumidhi ang alitang panghanggahan ng naturang dalawang bansa, palagiang isinagawa ng Indonesya, tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2011, ang mediyasyon. Magkakasunod na dumalaw ang ministrong panlabas ng Indonesya na si Marty Natalegawa sa Thailand at Kambodya. Nagsadya kahapon siya sa New York para dumalo sa pulong ng UNSC para sa paglutas sa naturang alitang panghanggahan. Noong ika-11 ng buwang ito, nagpadala minsan ang Indonesya ng paanyaya sa mga ministrong panlabas ng 10 bansang ASEAN at itinakdang idaos ang pangkagipitang pulong sa Jakarta ng Indonesya sa ika-22 ng buwang ito para talakayin ang hinggil sa alitang ito. Ipinalalagay ni Ginoong Zheng Yongnian, propesor ng National University of Singapore, na kung tutulungan ng Indonesya ang paglutas sa kasalukuyang alitan ng Thailand at Kambodya, hindi lamang makakabuti ito sa koordinasyon sa loob ng ASEAN, kundi magpapataas din ng sarili nitong katayuan sa Asya at magpapalakas ng karapatan sa pagsasalita sa daigdig.
Nitong nakalipas na mahigit 40 taon sapul nang itatag ang ASEAN, ang mga alitan sa pagitan ng mga kasaping bansa ay laging nakakaapekto sa pagkakaisa ng ASEAN. Lumitaw ang alitan sa teritoryo sa pagitan ng mga bansang ASEAN at humungi sila sa hukumang pandaigdig na gumawa ng hatol. Pagkaraang sumiklab ang kasalukuyang alitang panghanggahan ng Thailand at Kambodya, malinaw na humingi ang panig Kambodyano ng pagtulong ng hukumang pandaigdig. Pero nagpapatunay ang katotohanan na hindi nalulutas ng kapasiyahan ng hukumang pandaigdig ang alinmang problema, ang pagpapahupa ng ganitong alitang bilateral ay nababatay, pangunahi na, sa kompromiso at kooperasyon ng kapuwa may kinalamang panig.
Pagkaraang inisyal na magpalipas sa pandaigdig na krisis na pinansyal noong 2009, sinimulang palakasin ng ASEAN ang integrasyon, buong sikap na sumusulong tungo sa target ng pagtatatag ng ASEAN Community sa taong 2015 at nagharap ng isang serye ng hakbangin sa pagpapalakas ng mekanismo ng pagpigil sa sagupaan na kinabibilangan ng pagtatayo ng "sistema ng hudyat ng alitan" para mapigilan at harapin ang mga pangkagipitang pangyayari. Pero kung ang mediyasyon ng ASEAN sa kasalukuyang alitan ng Thailand at Kambodya ang pag-uusapan, hindi nagpatingkad ng mabisang papel ang ganitong mga hakbangin.
Ipinalalagay ng isang iskolar ng Indonesya na nangingibabaw ang maraming bilateral na alitan sa teritoryo sa pagitan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, kung itatatag ang isang mabisang mekanismo ng paglutas sa alitan, saka lamang unti-unting susulong ang ASEAN tungo sa isang komunidad na matatag ang pulitika.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |