Sinabi kahapon ng panig militar ng Tsina na handang-handa na ang ika-8 komboy ng tropang pandagat ng bansa para magbigay-proteksyon sa mga sasakyang pandagat laban sa mga pirata na dumaraan sa Gulf of Aden at karagatan ng Somalia.
Sa isang aktibidad na idinaos kahapon sa Zhoushan City sa silangang Tsina, ipinahayag ni Han Xiaohu, komander ng komboy, na buong husay na gagawin ng kanyang komboy ang misyong ito para maipakita ang imahe ng Tsina bilang isang responsableng malaking bansa na nagmimithi ng katiwasayan at kapayapaan ng daigdig.
Nakatakdang umalis ngayong araw sa Zhoushan patungong karagatan ng Somalia ang naturang komboy na binubuo ng 2 bapor pandigma, 2 helicopters at mahigit 800 sundalo.
Salin: Liu Kai