|
||||||||
|
||
Umalis kaninang umaga sa Zhoushan City sa silangang Tsina patungong Gulf of Aden at karagatan ng Somalia ang ika-8 komboy ng tropang pandagat ng bansa para magbigay-proteksyon sa mga sasakyang pandagat laban sa mga pirata na dumaraan sa rehiyong iyon. Ang komboy ay binubuo ng 2 bapor pandigma, 2 helicopters at mahigit 800 sundalo.
Sa seremonya ng pagpapaalam, sinabi ni Ding Yiping, pangalawang komander ng tropang pandagat ng Tsina, na sa kasalukuyan, mahigpit pa rin ang kalagayang pangkatiwasayan sa Gulf of Aden at karagatan ng Somalia at hiniling niya sa komboy na patuloy at buong husay na gawin ang misyon nito.
Sapul nang lumahok noong 2008 ang tropang pandagat ng Tsina sa misyon ng pagbibigay-proteksyon sa mga sasakyang pandagat sa Gulf of Aden at karagatan ng Somalia, nakapagbigay-proteksyon na ito sa mahigit 3400 bapor na Tsino at dayuhan at iniligtas rin ang 33 bapor mula sa pananalakay ng mga pirata.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |