Ipinihayag ng Embahada ng Pilipinas sa New Zealand kahapon na 12 Pilipino na ang naiulat na nawawala matapos maganap ang 6.3 Richter scale na lindol sa Christchurch, New Zealand.
Ayon sa panig opisyal, may halos 2 libong Pilipino sa Christchurch. Sa 12 nawawala, karamihan ay mga estudyante. Sa kasalukuyan, patuloy pa ding bineberipika ang listahan ng mga nawawala. Nagpadala na din ang Embahada ng Pilipinas sa lokalidad ng isang koponan sa lugar na tinamaan ng lindol upang magbigay-tulong sa mga Pilipinong apektado.
Salin: Joshua