Isiniwalat kahapon ni Qi Faren, Kagawad ng ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mga Mamamayang Tsino at dating punong taga-disenyo ng Shenzhou spaceship, na sa huling hati ng taong ito, pagkaraang ilunsad ang Tiangong 1 target spacecraft, ilulunsad pa ng Tsina ang Shenzhou 8 spaceship para isagawa ang kauna-unahang unmanned docking. Pagkatapos, magkakasunod pang ilulusad ang Shenzhou 9 at Shenzhou 10 na may sakay na astronaut para maisakatuparan ang ganap na pagdaong ng lahat ng nasabing spacecrafts.
Ang docking ay isa sa mga masusing teknolohiya para sa ika-2 yugto ng manned space program o pagtatatag ng space laboratory. Isinalaysay pa ni Qin na mga 8.5 tonelada ang bigat ng Tiangong 1 at puwede itong gamitin nang 2 taon sa kalawakan. Sinabi rin niyang magkakasunod na idadaong dito ang Shenzhou 8, Shenzhou 9 at Shenzhou 10, pagkatapos ay babalik na ito sa lupa.