Ayon sa bunga ng imbestigasyon hinggil sa mga minit na isyu sa taunang sesyon ng NPC at CPPCC na ino-organisa ng magkasanib na Organisasyon sa internet ng Tsina, ngayong taon, ang mga isyung tulad ng pabahay, kita, presyo ng paninda at iba pa ang pinag-uukulan ng pinakamalaking pansin ng mga mamamayan.
Kumpara sa imbestigasyon sa mainit na isyu sa taunang sesyon ng NPC at CPPCC noong taong 2009 at taong 2010, ang pabahay, pagbabahagi ng kita, paglaban sa korupsyon ay nananatiling mga isyu na pinag-uukulan pa rin ng pansin ng mga netizens. Ngunit, sa taong ito, ang mga isyu na kinabibilangan ng pagpapabilis ng konstruksyon ng low-income houses, pagpapatatag sa presyo ng paninda , pagpigil sa implasyon, at pagpapasulong sa pagkakapantay-pantay ng empleyo ang mga naging bagong tampok na pinag-uukulan ng pansin ng mga netizens sa naturang taunang sesyon.
Salin:Sarah