|
||||||||
|
||
Binuksan na kahapon dito sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC at nakatakda ring umpisahan bukas ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC: dahil sa naturang dalawang pulong, maraming dayuhang media ang nakapokus dito, particular na sa nakasalaang na ika-12 panlimahang taong plano ng pagpapaunlad ng Tsina na susuriin at pagpapatibayin sa naturang mga pulong.
Ayon sa ulat ng The New York Times,sa dalawang sesyon, ipapalabas ang bagong five-year plan ng pag-unlad ng Tsina, at anito, magsisikap ang bansa para baguhin ang paraan ng pagpapanatili ng paglaki ng kabuhayan mula sa pagluluwas at malaking pamumuhunang pampubliko, patungo sa pagpapalawak ng pangangailangang panloob.
Ayon sa naman ulat ng Reuters, ang pangangalaga sa kapaligiran ay isa sa mga magiging pokus ng ika-12 five-year plan ng pag-unlad ng Tsina. Anito, ang pagbabawas ng pagbubuga ng carbon dioxide at polusyong pantubig, pagpapasigla ng paggamit ng malinis at pag-recycle ng enerhiya ay ilan pa sa mga magiging priyoridad ng mga gawain ng pamahalaan sa bagong limang taon.
Bukod dito, ang Japan's Kyodo New Service, The Daily Telegraph ng Britanya, Yonhap News Agency ng Timog Korea, Chosun Daily ng Hilagang Korea at iba pang dayuhang media ay naglathala ng mga artikulo o balita na may kinalaman sa dalawang sesyon ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |