|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw ng taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina ang isang preskon. Sa pulong, isinalaysay ng tagapagsalita ng pulong na si Li Zhaoxing ang hinggil sa adyenda ng sesyon at may kinalamang gawain ng NPC at sinagot din niya ang mga tanong ng mga mamamahayag.
Sinabi ni Li na bubuksan bukas ng umaga ang taunang sesyon ng NPC at ipipinid ito sa umaga ng ika-14. 7 ang agenda ng pulong: pakinggan at suriin ang Government Working Report, suriin at pagtibayin ang ika-12 Five-Year Plan, suriin at pagtibayin ang ulat ng plano, suriin at pagtibayin ang ulat hinggil sa budget, pakinggan at suriin ang Working Report ng pirmihang lupon ng NPC, pakinggan at suriin ang Working Report ng kataas-taasang hukumang bayan ng Tsina, at pakinggan at suriin ang Working Report ng kataas-taasang prokuraturang bayan ng Tsina.
Bukod dito, pagkaraang magpinid ang pulong, sasagutin ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang mga tanong ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |