Binuksan ngayong umaga sa Beijing ang ika-4 na taunang sasyon ng NPC o Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Dumalo sa pulong na ito ang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at sentral pamahalaan na kinabibilangan nina Hu Jintao, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang at Zhou Yongkang.
Sa nasabing sesyon, binigkas ni Premyer Wen Jibao ang government working report sa harap ng mga kinatawan ng NPC at sa ulat na ito, isinalaysay ni Wen ang karanasan at mga bunga sa pag-unlad sa pambansang kabuhayan at lipunan nakararaang 5 taon. Iniharap din niya ang mga pangunahing target at tungkulin ng sentral na pamahalaan sa loob ng darating na 5 taon at idinitalye ang gawain ng pamahalaan sa taong 2011.
Salin: Ernest