|
||||||||
|
||
Sa pagharap sa halos 3000 kinatawan mula sa iba't ibang saray, binigkas ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang government work report na nagbibigay-diin sa pagpapabilis ng pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ayon sa ulat, sa susunod na limang taon, kasabay ng ibayo pang pagpapataas ng kalidad at episyensya, tinatayang aabot sa 7% ang karaniwang taunang paglaki ng pambansang kabuhayan. Ibig sabihin, kung tutuusin sa presyo ng taong 2010, sa 2015, inaasahang lalampas sa 55 trilyong Yuan ang GDP.
Kaungay naman ng mga pangunahing target sa taong 2011, nakasaad sa ulat na aabot sa 8% ang bahagdan ng paglaki ng GDP, kokontrolin sa humigit-kumulang 4% ang CPI, 9 na milyong bagong trabaho ang lilikhain sa mga lunsod at bayan, hindi tataas sa 4.6% ang rehistradong unemployment rate sa mga lunsod at bayan at patuloy na bubuti ang balance of payment.
Sa 9 at kalahating araw na sesyon, ang mga kinatawan ng NPC ay magsusuri sa government work report, work report ng CPPCC o Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, burador ng ika-12 Pambansang Panlimahang-taong Plano, work report ng Kataas-taasang Hukumang Bayan, work report ng Kataas-taasang Prokuratura at iba pa.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |