|
||||||||
|
||
Kaugnay ng mga pangunahing target at tungkulin ng Pamahalaang Tsino mula taong 2011 hanggang 2015, ganito ang inilahad ni Premyer Wen.
"Sa susunod na limang taon, kasabay ng ibayo pang pagpapataas ng kalidad at episyensya, tinatayang aabot sa 7% ang karaniwang taunang paglaki ng pambansang kabuhayan. Ibig sabihin, kung tutuusin sa presyo ng taong 2010, sa 2015, inaasahang lalampas sa 55 trilyong Yuan ang GDP."
Pagdating sa mga pangunahing target sa taong 2011, nakasaad sa ulat na aabot sa 8% ang bahagdan ng paglaki ng GDP, kokontrolin sa humigit-kumulang 4% ang CPI, 9 na milyong bagong trabaho ang lilikhain sa mga lunsod at bayan, hindi tataas sa 4.6% ang rehistradong unemployment rate sa mga lunsod at bayan at patuloy na bubuti ang balance of payment.
Kumpara sa mga government work report noong dalawang taong nakaraan, sa ulat sa taong ito, walang malaking pagbabago pagdating sa mga pangunahing target kundi sa CPI na magiging 4% ang inaasahang paglaki sa taong ito kumpara sa 3% ng taong 2010. Mababasa rin sa ulat sa taong ito ang bagong nilalaman na ibayo pang pagpapabuti ng estrukturang pangkabuhayan. Kaugnay nito, ganito ang tinuran ni Premyer Wen.
"Upang makalikha ng magandang kapaligiran para sa pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan, dapat hikayatin ang lahat ng mga may kinalamang panig na ipauna ang pagpapabilis ng pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagpapataas ng kalidad at episyensya ng pag-unlad, pagdaragdag ng trabaho, pagpapabuti ng pamumuhay ng sambayanan at pagpapasulong ng harmonya ng lipunan."
Sa work report, inilahad nang malawakan at malakihan ni Premyer Wen ang hinggil sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, para rito, sa taong ito, dapat puspusang pataasin ang saligang kita ng lahat mga mamamayang may mababang kita at dapat pasulungin ang pagbabahagi ng kita.
Masasabing ang pagpapabilis ng pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ay dalawang pinakatampok sa government work report sa taong ito.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |