Ipinahayag ngayong araw ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa ika-4 na taunang sesyon ng Pambansnag Kongresong Bayan ng Tsina o NPC na sa taong ito, ganap na lulutasin ang kahirapan ng pamilya ng Tsina na katamtaman at maliit ang kita sa pabahay, aktuwal na patatatagin ang presyo ng mga pabahay at tutugunin ang makatwirang pangangailangan ng mga mamamayan sa pabahay.
Binigyang-diin pa ni Premyer Wen na ibayo pang pabubutihin ang patakaran sa buwis na may kinalaman sa real state at papanagutin ang mga pamahalaan sa lokalidad na di-mabuting patatatagin ang presyo ng mga pabahay, di-mabuting pasusulungin ang konstruksyon ng indemnificatory apartments at sa gayo'y maaapektuhan ang katatagan at kaunlaran ng lipunan.
Salin: Ernest