Sa preskon ng sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC na idinaos ngayong araw sa Beijing, sinabi ni Li Yining, kagawad ng CPPCC at kilalang ekonomistang Tsino, na malakas at mabisa ang kasalukuyang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino ng pagkontrol sa inflation.
Ipinahayag din niyang bagama't hindi sa ilalim ng kontrol ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdig na pamilihan at pagbabago ng klima, dalawang elemento na magdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, maisasakatuparan pa rin ng Tsina ang itinakdang target sa pagkontrol sa inflation rate.
Salin: Liu Kai