Sa preskon ng sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC na idinaos ngayong araw sa Beijing, sinabi ni Chen Xiwen, kagawad ng CPPCC at pangalawang puno ng sentral na namumunong grupo ng Tsina sa mga gawaing pangkanayunan, na hindi malaki ang epekto ng naganap na tagtuyot sa produksyon ng pagkaing-butil ng kanyang bansa at nananalig siyang mananatiling matatag ang presyo ng pagkaing-butil sa bansa.
Isinalaysay din niyang sa kasalukuyang tagtuyot, ang saklaw ng mga apektadong pinagtatanimang pagkaing-butil ay di-lampas sa 20% ng kabuuang saklaw ng mga pagtatanimang pagkaing-butil sa buong taon at kasabay nito, 75% apektadong lugar ay nakahulagpos na sa tagtuyot.
Salin: Liu Kai