|
||||||||
|
||
Magkakahiwalay na lumahok kahapon ng hapon ang mga lider ng Tsina na gaya nina pangulong Hu Jintao ng estado at tagapangulo Wu Bangguo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC sa pagsusuri ng mga delegasyon sa ika-4 na sesyon ng ika-11 NPC sa government working report na ginawa nang araw ring iyon ni premyer Wen Jiabao.
Binigyang-diin ni pangulong Hu na dapat igiit ang tema ng siyentipikong pag-unlad, pabilisin ang pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan at patuloy na pasulungin ang reporma't pagbubukas at sosyalistang modernisasyon upang makalikha ng mainam na simula sa pagpapaunlad ng kabuhaya't lipunan sa panahon ng ika-12 panlimahang taong plano.
Sinabi naman ni Wu Bangguo na dapat baguhin ang ideya ng pagpapaunlad, palalimin ang reporma't pagbubukas, bigyan ng malaking pansin ang pamumuhay ng mga mamamayan at masipag na pabutihin ang iba't ibang gawaing may kinalaman sa reporma, kaunlaran at katatagan.
Salin:Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |