|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon sa Beijing ang ika-4 na taunang sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina at binasa sa sesyon ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang government working report. Binigyan ng mga iskolar at dalubhasang Tsino ng positibong pagpapahalaga ang naturang working report.
Tinukoy ni Yuan Gangming, propesor ng Tsing Hua University, na iniharap sa ulat na sa darating na 5 taon, ang target ng karaniwang taunang paglaki ng GDP ng Tsina ay 7% at nagpapakita ang bilang na ito ng isang bagong ideya sa pagpapasulong ng paglago ng kabuhayan.
"Alang-alang sa pagsasaayos ng ilang problema na kinakaharap ng kabuhayang Tsino, lalong lalo na, pagsasaayos ng estruktura, dapat bigyang-pansin ang pagpapataas ng kalidad ng pag-unlad ng kabuhayan at episiyensiya ng kabuhayan at kailangang lutasin ang mga isyung gaya ng pagtitipid ng enerhiya, pagbabawas ng emisyon at distribusyon ng kita. Sa kabuuan, dapat isakatuparan ang mas malusog at makatwirang pag-unlad batay sa kalagayang may pagbaba ang bilis ng paglaki."
Ipinahayag naman ni Gu Shengzu, ekonomista at deputado ng NPC, na nitong nakalipas na 5 taon, mas mataas kaysa paglaki ng kita ng mga residente ang paglaki ng GDP ng Tsina. Ang target ng kaparehong paglaki ng naturang dalawang indeks na itinakda ng ika-12 panlimahang taong plano ay nagpapakita ng determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pagpapataas ng kita ng mga residente.
"Ang isang napakahalagang tampok ng ika-12 panlimahang taong plano ay iniharap nitong dapat isakatuparan ang kaparehong paglaki ng kita ng mga residente at pag-unlad ng kabuhayan. Dapat hayaang ang mga mamamayan na bahaginan ang bunga ng reporma at pagbubukas sa pamamagitan ng pagpapataas ng kanilang kita."
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |