Sa panahon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina, idinaos dito sa Beijing ngayong araw ang preskong may kinalaman sa ika-12 panlimahang taong plano ng pagpapaunlad ng lipunan at kabuhayan ng Tsina. Sinabi sa preskon ni Zhang Ping, ministro ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ipapauna ng planong ito ang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Isinalaysay ni Zhang na para rito, iniharap ng naturang plano ang mga malinaw na target at konkretong kahilingan sa mga aspektong gaya ng distribusyon ng kita, hanap-buhay, serbisyong pampubliko, serbisyong medikal, edukasyon, segurong panlipunan at iba pa.
Salin:Vera