|
||||||||
|
||
Sa preskong idinaos ngayong araw sa Beijing, sa panahon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina na patuloy na magsisikap ang kanyang bansa sa pagpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal sa mga karatig-bansa at patuloy ding magsasagawa ng saligang patakarang "building friendship and partnership with neighboring countries" para makalikha, kasama ng mga bansang ito, ng isang mapayapa, matatag at bukas na kapaligirang panrehiyon na may kooperasyon at win-win result.
Kaugnay naman ng kooperasyong Sino-ASEAN, sinabi ni Yang na ang pagsasakatuparan ng connectivity ay komong hangarin ng dalawang panig, at gumawa na sila ng mga maiinam na hakbang sa aspektong ito at patuloy pa itong pasusulungin sa hinaharap. Aniya pa, patuloy na makikipagkooperayon ang Tsina sa mga bansang ASEAN upang maayos na mahawakan ang mga maiinit at mahihirap na isyung panrehiyon para manatiling mapayapa at matatag ang rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |