|
||||||||
|
||
Kaugnay ng government working report ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, ipinalalagay kamakailan ni Korsak Thamcharonkij, dalubhasa Thai sa isyu ng Tsina, na ang pagdaragdag ng Tsina ng defense budget sa loob ng darating na 5 taon ay hindi banta sa ibang bansa. Ipinahayag niya na ang gawaing ito ng pamahalaang Tsino ay maggagarantiya ng sariling pambansang katiwasayan at ayon sa kasaysayan ng Tsina, hindi ito gagamitin ng Tsina upang salakayin ang ibang bansa.
Bukod dito, nagbigay din si Korsak ng mataas na pagtasa sa pagpapalitang pangkultura ng pamahalaang Tsino at ibang bansa nitong ilang taong nakalipas, at umaasa aniya siyang ibayo pang pahihigpitin ng panig Tsino ang ganitong mga aktibidad.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |