Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC ngayong araw, ipinahayag ni Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina na sa darating na 5 taon, ang mga diplomatikong gawain ng Tsina ay lilikha ng mas mainam na relasyon sa mga kapitbansa at sa daigdig para isakatuparan ang target ng komprehensibong pagtatatag ng maginhawang lipunan. Aniya, magbibigay rin ang Tsina ng mas malaking ambag para sa magkakasamang pagtatatag ng isang daigdig na may harmoniya, may pangmatagalang kapayapaan at magkakasamang kasaganaan.
Sinabi ni Yang na ang pagkomplemento ng bentahe, kooperasyon at win-win situation ay pangunahin at namumunong relasyon sa pagitan ng Tsina at iba't ibang bansa. Sa hinaharap aniya, patuloy na isasakatuparan ng Tsina ang pundamental na patakaran ng "pagpapabuti sa mga kapitbansa" at magsisikap ang Tsina, kasama ng mga kapitbansa, para lumikha ng isang mapayapa, matatag, at bukas na panrehiyong kapaligiran na may win-win situation.
Ipinahayag din ni Yang na sa katotohanan, ang Tsina ay nananatiling isang umuunlad na bansa, ginagawa nito ang mas malaking pagsisikap para isakatuparan ang pandaigdigang obligasyon nito.
Salin:Sarah