Isiniwalat kahapon ni Wang Yuqing, Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino o CPPCC at Pangalawang Direktor ng Committee ng Population, Resources at Environment ng CPPCC, na sa kasalukuyan, isinasaalang-alang ng Family Planning Department ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng 2 anak ng isang pamilya sa susunod na 5 taon. Ipinalalagay pa niyang hindi ito magdudulot ng malaking pagdaragdag ng populasyon.
Sa kasalukuyan, sa mga purok ng nayon at pambansang minorya, kung ang unang anak ng isang pamilya ay babae, maaari ulit na magkaroon ng pangalawang anak. Ipinalalagay ni Wang na puwedeng unti-unting isagawa ang patakarang ito sa mga lunsod dahil kapansin-pansin ang pagtanda ng lipunan.
Salin: Andrea