Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Song Xiaowu, kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino at puno ng China Socity of Economic Reform, na dapat dagdagan ng bansa ang laang-gugulin sa mga saligang serbisyong pampubliko at repormahin ang sistema ng mga serbisyong ito para maisakatuparan ang pantay-pantay na pagtatamasa ng mga mamamayan ng mga ito.
Tinukoy ni Song na ang target ay pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng lunsod at nayon, ng iba't ibang lugar at ng iba't ibang social group sa aspekto ng pagtatamasa ng mga saligang serbisyong pampubliko.
Salin: Liu Kai