Lubos na tiniyak kahapon ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang papel ng mga Kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at ipinahayag niyang ang mga iniharap na mungkahi ng mga naturang Kagawad ay nagpatingkad ng positibong papel sa pagkakaroon ng tumpak na desisyon ng pamahalaan.
Samantala, patuloy hanggang kahapon ang grupo-grupong pagsusuri at pagtalakay sa idinaraos na ika-4 na Pulong ng Ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at ika-4 na Pulong ng Ika-11 ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at sa kaniyang pagdalo sa magkasanib na talakayan ng mga kagawad ng sirkulong ekonomiko at agrikultural, sinabi ni Wen na sa kasalukuyan, mainam sa kabuuan ang situwasyon ng operasyong pangkabuhayan ng Tsina, ngunit napakasalimuot pa rin ng situwasyong kinakaharap sa pag-unlad. Umaasa aniya siyang patuloy na pag-uukulan ng pansin ng mga Kagawad ng sirkulong ekonomiko at agrikultural ang suliraning pang-estado at ihaharap ang kanilang mga mungkahi sa lalong madaling panahon sa pamahalaan.
Salin: Li Feng