Ngayon sa Tsina, idinaraos ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Binibigyan ito ng mga dayuhang media ng mataas na pansin at pawang ipinalalagay nila na ang higit na pagpapaligaya sa mga mamamayan ay ang magiging pangunahing paksa ng gawain ng pamahalaang Tsino sa hinaharap.
Kamakailan, magkakasunod na nagpalabas ng artikulo ang mga media ng ibang bansa sa daigdig na gaya ng Daily Telegraph ng Britanya, Chinese Business news ng Estados Unidos, Japan Overseas Chinese News nouvelles d'europe ng Pransya na nagsasabing ang pag-unlad ng Tsina sa hinaharap ay magbibigay ng mas malaking pansin sa pagpapataas ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Ernest