|
||||||||
|
||
Sa idinaos na taunang pulong ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC kamakalawa sa Beijing, nagtalakayan ang mga kagawad ng delegasyong Tibetan ng NPC hinggil sa Working Report na binasa ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina, ika-12 Five-Year Plan at kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad ng Tibet.
Sa pagbalik-tanaw sa ika-11 Five Year Plan, umabot sa 17319 Yuan RMB ang karaniwang kabuuang halaga ng produksyon ng mga mamamayan ng rehiyong awtonomo ng Tibet at lumampas sa 4130 Yuan RMB ang karaniwang netong kita ng mga magsasaga at pastol na dumoble kumpara sa nitong limang taong nakalipas. Sinabi ni Shinza•Tenzin Choeta, Pangalawang Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Kongresong Bayan ng Rehiyong Automono ng Tibet, na:
"Ang Tibet ay nasa isang panahon ng mas mabilis na pag-unlad, nagiging mas bukas at ang kabuhayan nito ay dumadako sa pagiging dibersipikado mula agrikultura at paghahayupan, dumadako sa komprehensibong pagpapalakas ng konstruksyon ng kapaligirang ekolohikal mula pangangalaga sa kapaligiran lang, dumadako komprehensibong konstruksyon ng may kaginhawahang lipunan mula paglutas sa isyu ng pagkakaroon ng sapat na pagkain at pananamit, dumadako pangmatagalang katatagan at kaayusan. Nasa pinakamabuting panahon at bagong starting point ng kasaysayan ngayon ang Tibet."
Ang turismo ay kilalang tatak ng Tibet. Ang misteryosong kultura at magandang tanawin, ang umakit ng mahigit 6.85 milyong person-time na turista nitong nakalipas na 5 taon,. Hinggil dito, sinabi ni Padma Tsinle, Pangulo ng Rehiyong Automono ng Tibet, na:
"Ang pangunahing tungkulin namin ay sa ilalim ng paggarantiya ng magandang kapaligiran, buong lakas na pasusulungin ang turismo ng Tibet. Para sa mga turista sa Tibet, ang unang pagay na dapat gawin namin ay igarantiya ang kanilang kaligtasan, at ang kaligtasan ng kapaligirang ekolohikal ng Tibet."
Nitong nakalipas na 5 taon, inisyal na naitatag na ang integrated transport network ng lansangan, daam-bakal at abiyasyon ng Tibet, mabilis ang konstruksyon ng pagsasaimpromasyon, umabot sa mahigit 1.15 milyon ang internet users. Sa hinaharap na ika-12 Five-Year Plan, magiging mas maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Tibet.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |