|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hu Xiaoyi, pangalawang ministrong Tsino sa Human Resource and Social Security na nakapagsaklaw na ang saligang sistema ng segurong medikal sa 1.26 bilyong populasyon ng Tsina, na lumalapit sa target na matatanggap ang segurong medikal ng lahat ng mga mamamayan nito.
Isinaad din ni Hu na nitong 3 taong nakalipas, umabot sa mahigit na 46 bilyong Yuan, RMB ang subsidy ng Pamahalaang Tsino sa segurong medikal ng mga mamamayan sa mga lunsod at nayon, at 60 bilyong Yuan na subsidy ang napunta sa mga manggagawa. Ang mga pondong ito aniya'y ginamit para sa pagtatamasa ng saligang segurong medikal ng 8 milyong retiradong galing sa mga nabangkaroteng bahay-kalakal na ari ng estado at iba pang saradong bahay-kalakal.
Nang araw ring iyon, ipinahayag naman ni Sun Zhigang, opisyal Tsinong namamahala sa reporma ng sistemang medikal na sa kasalukuyan, isinagawa na ng 60% ng organong medikal sa Tsina ang sistema ng basic drugs, at sa gayon ay bumaba ng mga 30% ang presyo ng mga gamot, at mas marami ang mga mamamayan ang nakikinabang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |