|
||||||||
|
||
"Ang sosyalistang demokrasiya ay dapat maging sistema at batas. Hindi babaguhin ang naturang sistema at batas dahil sa pagbabago ng lider, at hindi baguhin ito dahil sa pagbabago ng palagay at pansin ng mga lider. "
Sa pagbalik-tanaw sa buong proseso ng pagiging ng sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino, maaaring makita nang maliwanag ang pagkakasunud-sunod na ideya ng Tsina na gawing una ang konsiderasyon sa karaptan at kapakanan ng mga mamamayan sa pagbalangkas ng sistema.
Sa Tsina, hindi lamang mapangalagaan ng batas ang mga mamamayan, kundi welkamin rin ang paglahok ng mga mamamayan sa pagtatakda at pagsususog ng mga batas. Kasabay ng pagpapahalaga ng paglahok ng mga mamamayan sa pagtatakda at pagsususog ng mga batas, ang pag-iistandardisa at pagpigil sa kapangyarihan ng pamahalaan ay isa ring mahalagang nilalaman ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga mamamayan.
Datapuwa't nabuo na ang sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino, hindi perpekto ito. Magsisikap ang mga mambabatas ng Tsina sa pagsususog, pagpapabuti sa mga batas at pagtatakda ng ilang bagong batas.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |