Sa preskong idinaos ngayong araw sa Beijing sa panahon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Zhang Lijun, pangalawang ministro ng pangangalaga sa kapaligiran ng Tsina, na sa susunod na limang taon, ang pokus ng mga gawain ng kanyang ministri ay paglutas sa mga problemang nakakaapekto sa sustenableng pag-unlad at nakakapinsala sa kalusugan ng mga mamamayan.
Inamin din ni Zhang na bagama't nagtamo ang Tsina ng kapansin-pansing progreso sa pangangalaga sa kapaligiran at napabuti rin ang kalidad ng kapaligiran ng bansa, mahigpit pa rin ang kalagayan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Sinabi niyang hindi pa lubos na nalutas ang polusyon sa tubig at hangin sa Tsina, pero lumitaw na rin ang bagong problema ng polusyon sa lupa. Aniya pa, ang mabilis na urbanisasyon ng Tsina ay nagdudulot din ng malaking presyur sa pangangalaga sa kapaligiran ng bansa.