Ipininid ngayong araw sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC.
Sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Jia Qinglin, tagapangulo ng CPPCC, na kasiya-siyang natapos na ang iba't ibang agenda ng sesyong ito. Aniya, nagharap ang mga kagawad ng CPPCC ng maraming mahalagang kuro-kuro at mungkahi hinggil sa mga malaking isyung gaya ng pagpapabilis ng pagbabago ng paraan ng pagpapaunlad ng kabuhayan at pagsasaayos ng estruktura ng kabuhayan, paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagpapasagana at pagpapaunlad ng kultura, pagpapalakas at pagbabago ng social management, pagpapanatili ng pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at Macao, mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at iba pa at ito ay lubos na nagpapakita ng katanging-tanging bentaha ng CPPCC bilang isang organisasyong pulitikal at paraang demokratiko.
Sa panahon ng kasalukuyang sesyon, nagharap ang mga kagawad ng CPPCC ng 5762 proposal lahat-lahat at 5408 sa mga ito ang natanggap. Ililipat ang mga proposal na ito sa iba't ibang departamento ng pamahalaan ng Tsina para sa paghawak.