Nagpalabas ng pahayag kahapon ang Kalihim ng suliraning panlabas ng Pilipinas na nagsasabing parehong-pareho sila ng ruling ng panig ng Hong Kong sa imbestigasyon ng huli kaugnay ng Manila Hostage Taking Insident, na ang 8 taga-Hong Kong ay ilegal na pinatay.
Anang pahayag, ayon sa batas ng bansa at normang pandaigdig, sa imbestigasyon ng Coroner's Court ng HongKong , ipinagkaloob ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng pakikipagkoordinasyon at pakikipagtulungan sa abot-kaya nito. Anito pa, nagpapahayag ang Plipinas ng malaking pagkalungkot sa insidenteng ito at bibigyan ng katarungan ang mga biktima.