Ayon sa report na ipinalabas kahapon ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay umaabot na sa 9.5% ng kabuuang bolyum ng daigdig na mas mataas sa taong 2005 na umabot sa 5%.
Ayon sa nasabing report, sa panahon ng pagpapatupad ng ika-11 pambansang panlimahang-taong plano mula taong 2005 hanggang 2010, umakyat na ang Tsina sa ikalawang puwesto sa daigdig kung ang kabuuang halaga ng GDP ang pag-uusapan. Gayumpaman, nananatili pa ring mababa ang per capita Gross National income (GNI) ng Tsina. Ayon sa World Bank, noong taong 2009, umabot sa 3,650 US dollar ang per capita GNI ng Tsina na nakahanay sa ika-125 sa daigdig na mas mataas naman ng 3 puwesto kumpara sa taong 2005.
Salin: Jade