|
||||||||
|
||
Muling nanganyon sa isa't isa kaninang umaga ang mga tropa ng Kambodya at Thailand sa purok-hanggahan ng dalawang bansa. Ito ang tuluy-tuloy na ika-3 araw ng armadong sagupaan ng kapuwa panig sa nabanggit na rehiyon.
Isiniwalat ng komander ng panig militar ng Kambodya na sinimulan noong alas-10 kaninang umaga ang pagpapalitan ng putok. Anya, naglunsad muna ang tropang Thai ng pang-aatake sa Kambodya, at agarang gumanti ang panig Kambodyano.
Kinumpirma naman ni Punong Ministro Abhisit Vejjajiva ng Thailand ang pagganap ng sagupaang ito at bumatikos pa siya sa tropang Kambodyano na naglunsad muna ng pang-aatake.
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpalabas kahapon ng pahayag si pangkalahatang kalihim Ban Ki-moon ng UN na nanawagan sa Kambodya at Thailand na makapagtimpi at agarang magsagawa ng hakbangin para maisakatuparan ang mabisa at mapapatunay na tigil-putukan. Anang pahayag, ipinalalagay ni Ban na hindi malulutas ng marahas na paraan ang sagupaan, at hinimok niya ang naturang dalawang bansa na isagawa ang mataimtim na diyalogo para hanapin ang isang pangmatagalang kalutasan.
Kaugnay ng sagupaang ito, ipinahayag kamakalawa ni tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Kambodya at Thailand ay kapwa mga kasaping bansa ng ASEAN at matalik na kapitbansa ng Tsina. Umaasa anya ang panig Tsino na makakapagtimpi ang dalawang panig at malulutas ang kanilang hidwaan sa pamamagitan ng pagsasanggunian.
Sinimulan kamakalawa ang kasalukuyang round ng armadong sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng Kambodya at Thailand, at hanggang ngayon, di-kukulangin sa 10 sundalo mula sa magkabilang panig ang namatay at marami iba pa ang nasugatan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |