Kahapon sa Pyongyang, sa isang pagtitipon bilang paggunita sa ika-79 na anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Army ng Hilagang Korea, ipinahayag ni Kim Yong-chun, Vice Chairman of the National Defence Commission ng Hilagang Korea na sa kasalukuyan, nananatiling maigting ang kalagayan sa Peninsula ng Korea, at hindi makakapaghalukipkip ang Hilagang Korea sa mga probokasyong militar ng Estados Unidos at Timog Korea.
Binigyang diin ni Kim Yong-chun na tiniyak ang may prinsipyong paninindigan ng Hilagang Korea sa mga aksiyong probokatibo ng Estados Unidos at Timog Korea. Kapag inilunsad ng E.U at T.K ang digmaan laban sa Hilagang Korea, lilipulin ng huli ang mga mananalakay para maisakatuparan ang reunipikasyon ng Peninsula ng Korea.