|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong sikap na pinabubuti ng pamahalaang Tsino ang kapaligiran ng pamumuhunan at walang humpay nitong pinatataas ang kalidad ng paggamit sa pondong dayuhan para maging pinakakaakit-akit na bansa ang Tsina sa daigdig sa paghihikayat ng pondong dayuhan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hong na sa kasalukuyan, nililikha ng pamahalaang Tsino ang mas bukas, patas, maayos at mabuting kapaligiran para sa mga namumuhunang dayuhan at ibayo pang pahihigpitin ang pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR) sa hinaharap.
Salin:Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |