Noong ika-7 hanggang ika-9 ng buwang ito, naglakbay-suri si Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa rekonstruksyon sa mga nilindol na purok sa lalawigang Sichuan. Kasabay ng pagdaraos ng may kinalamang pulong kahapon sa lunsod ng Dujiangyan, lubusang pinapurihan ni Wen ang rekonstruksyon at ang pagbibigay-tulong ng iba pang lalawigan.
Tinukoy ni Wen na sa kasalukuyan, natapos na, sa kabuuan, ang mga rekonstruksyon pagkaraan ng kalamidad, at mas mabuti kaysa noong bago lumindol, ang kondisyon sa pabahay ng mga mamamayan, ang lebel sa kasangkapan ng serbisyong pampubliko, at ang kakayahan sa paggarantiya ng imprastruktura, na nagkaroon ng isang may igpaw na pag-unlad.