Kahapon, sa kanyang talumpati sa panel discussion ng United Nations Security Council(UNSC), ipinahayag ni Li Baodong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat pahigpitin ang proteksyon sa mga sibilyan sa iba't ibang sagupaan, batay sa mga resolusyon ng UNSC.
Idinagdag din ni Li na nag-aalala ang Tsina sa mga panganib at banta ng mga sagupaang marahas, na nakakapinsala sa buhay at ari-arian ng mga sibilyan. Samantala, kinondena aniya ng Tsina ang anumang aksiyong marahas, na nakatuon sa mga sibilyan.
Sinabi rin niya na, ang resolusyong bilang 1970 at 1973 ng UNSC ay naglalayong pigilin ang marahas na aksiyon at protektahan ang mga sibilyan. Aniya pa, tumutol din ang Tsina na ipaliwanag ang mga resolusyon ng UNSC nang kawala ng pakundangan at umaksyon nang kawala ng autorisasyon ng UNSC.