Sa panahon ng ika-18 ASEAN Summit, ipinahayag ni Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya na matutupad ang integrasyong pangkabuhayan ng ASEAN sa taong 2015 ayon sa nakatakdang iskedyul. Anya, sa kasalukuyan, tinanghal ng komunidad ng daigdig ang kanyang bansa na ika-17 pinakamalaking economy sa daigdig, at patuloy na magsisikap ang mga mamamayang Indones para maisakatuparan ang mas mataas na target. Nananalig anya siyang magiging ika-10 pinakamalaking economy sa daigdig ang Indonesya.
Nitong nakalipas na ilang taon, mabilis na umuunlad ang kabuhayan ng Indonesya. Noong isang taon, 6.1% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan nito at lumampas sa 100 bilyong dolyares ang foreign exchange reserve.
Salin: Vera