Sa paanyaya ni Min Aung Hlaing, Pangkalahatang Komander ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar, sinimulan ngayong araw ni Xu Caihou, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, at kanyang enkorahe ang opisyal na dalaw-pangkaibigan sa bansang Myanmar.
Sa panahon ng pagdalaw, makikipagtagpo si Xu sa mga lider ng pamahalaan at hukbo ng Myanmar, at malalim na makikipagpalitan ng mga palagay hinggil sa mga isyung tulad ng kaligtasan sa rehiyon at daigdig, relasyon ng mga bansa at hukbo ng dalawang panig at iba pa. Bisita rin si Xu sa mga kinauukulang departamentong militar ng Myanmar.
Salin:Sarah