Noong isang linggo, nagpulong sa Secretariat Office ng ASEAN sa Jakarta, Indonesya, ang kauna-unahang magkasanib na grupong preparatoryo ng China-ASEAN Center.
Malalimang tinalakay ng kapuwa panig ang hinggil sa mga preparatoryong hakbang hinggil sa mga suliranin ng naturang sentro at sumang-ayon silang magkasamang magsikap para sa pormal na pagsasaoperasyon ng China-ASEAN Center sa lalong madaling panahon. Dumalo sa pulong ang grupong Tsino na pinamumunuan ni Li Tao, Counsellor ng Departamento ng Asya ng Ministring Panlabas ng Tsina at Direktor ng Preparatory Office para sa China-ASEAN Center.
Salin: Vera