Nag-usap kahapon, sa Jakarta, sina Ministrong Pandepensa Liang Guanglie ng Tsina at Ministrong Pandepensa Purnomo Yusgiantoro ng Indonesia, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon, at mga isyu na pinahahalagahan nila.
Sa pag-uusap, sumang-ayon ang dalawang panig sa pagpapasulong ng pragmatikong pagpapalitan sa larangang panseguridad, at pagpapahigpit ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa larangan ng pagsasanay na militar, makataong tulong at iba pa, para pasulungin ang malusog na kaunlaran ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo.
Ang naturang bisita ng Ministrong Tanggulan Tsino sa Indonesia ay nasa ilalim ng paanyaya ng Ministrong Tanggulan ng bansang ito. Nauna rito, bumisita si Liang sa Singapore, at pagkatapos ay dadalaw din sa Pinas.