Kahapon, sa Jakarta, Indonesia, idinaos dito ang ika-5 ASEAN Defense Minister Meeting(ADMM) at pinanguluhan ni Purnomo Yusgiantoro, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Indonesia ang seremonya ng pagbubukas.
Tinalakay sa naturang pulong, pangunahin na, ang isang regional security package plan, na kinabibilangan ng ASEAN working plan sa taong 2011 hanggang 2013, planong pangkooperasyon sa industriyang pandepensa, at iba pa.
Ipinahayag ni Purnomo na ang kasalukuyang pagtitipon ay naglalayong mapahigpit ang kooperasyon, para sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.