|
||||||||
|
||
Patuloy pa rin hanggang ngayon ang kalagayan ng tagtuyot sa maraming lalawigan at rehiyon ng Tsina. Isinasagawa na ng pamahalaang sentral at mga kinauukulang departamentong lokal ang hakbangin laban sa tagtuyot para maigarantiya ang ani ng pagkaing-butil.
Nagpalabas ng impormasyon ang Ministri ng Agrikultura ng Tsina na nagsasabing natapos na sa kabuuan ang pagtatanim ng early-season rice sa iba't ibang lugar ng bansa at may karagdagan ang saklaw ng pagpoprodyus ng early-season rice. Pero hindi pa humupa ang tagtuyot sa ilang rehiyon sa katimugang Tsina at nahaharap sa banta ng kakulangan sa tubig ang pagtubo ng early-season rice.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |