Kahapon, sa isang regular na preskon, ipinahayag ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na patuloy na palalakasin ng hukbong Tsino ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan nito sa iba't ibang bansa sa rehiyong Asya.
Idinagdag pa niya na sa mula't mula pa'y iginigiit na ng Tsina ang mapayapang patakarang panlabas, at ang bagong ideyang panseguridad na mayroong pagtitiwalaan, pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan, at pagtutulungan. Aniya pa, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang Asyano, para pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito.