Kahapon, sa isang regular na preskon, ipinahayag ni Tagapagsalitang Jiang Yu ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang maliwanag na paninindigan ng bansa sa isyu ng Libya. Aniya, dapat maisakatuparan ang ceasefire ng iba't ibang sekta sa naturang bansa, para malutas ang kasalukuyang krisis sa pamamagitan ng paraang pulitikal.
Nang sagutin niya ang mga tanong ng mga mamamahayag hinggil sa kalagayan sa Libya, ipinahayag din ng Tagapagsalitang Tsino na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa iba't ibang may kinalamang panig, para mag-ambag sa kalutasang pampulitika sa isyu ng Libya.