|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng Tanggapan ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na bukas hanggang ika-5 ng buwang ito, pupunta sa Singapore si Liang Guanglie, Kasangguni ng Estado at Ministrong Pandepensa ng Tsina para dumalo sa 2011 Shangri-La Dailogue. Ito ang kauna-unahang pagdalo ni Liang sa naturang diyalogo, sapul nang itatag ito nitong nakalipas na 10 taon.
Sa panahon ng diyalogo, magtatalumpati si Liang hinggil sa "Pandaigdigang Kooperasyong Pandepensa" at makikipag-usap din siya sa mga lider na pandepensa ng Estados Unidos, Singapore at iba pang bansa.
Ang Shangri-La Dialogue ay isa sa mga multilateral na pulong na may pinakamalaking saklaw at pinakamataas na antas sa mekanismo ng diyalogong pandepensa sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |