Kahapon, sa isang regular na preskon, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina ang suporta sa ginagawang plano ni Ban Ki-Moon, Pangkalahatang kalihim ng United Nations, (UN), para sa pagpapahigpit ng konstruksyon ng mekanismong panloob ng UN. Aniya, umaasa ang Tsina na makakaganap ang UN ng mahalagang papel sa mga suliraning pandaigdig, batay sa walang tigil na pagpapataas ng episyensiya, autorisasyon, at kakayahan.
Nauna rito, hinirang ni Ban Ki-moon si Atul Khare, Pangalawang Pangkalahatang kalihim ng UN, na mamahala sa naturang plano sa reporma ng UN.