|
||||||||
|
||
INILABAS na ng National Economic and Development Authority ang kanilang alituntunin at deadline para sa pagsusumite ng Public Investment program mula sa taong 2011-2016 para sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Cayetano Paderanga, sa kanilang pagbuo ng PIP, inaasahan nilang makatutulong ito sa mga layunin ng Philippine Development Plan sa susunod na limang taon.
Ang deadline ng PIP submission sa NEDA at noong a-veinte ng Mayo 2011 samantalang ang pagtatanghal nito sa NEDA Board upang sang-ayunan sa sa a-veinte uno ng Hunyo, 2011.
Ang Memorandum Circular No. 3 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. noong nakaraang taon ay nag-utos sa NEDA na makipagtulungan sa paghahanda para sa PIP 2011-1016 na magmumula sa executive at legislative branches ng pamahalaan.
Ang limang priority programs ng PIP ay ang Anti-Corruption, Transparent, Accountable and Participatory Governance; Poverty Reduction and Empowerment of the Poor and Vulnerable; Rapid, Inclusive and Sustained Economic Growth; Just and Lasting Peace and the Rule of Law at ang panghuli ay ang Integrity of the Environment and Climate Change Mitigation and Adaptation.
LUBHANG malaki ang naging pinsala ng pagkakalason ng mga bangus sa Dagupan City at mga bayan ng Binmaley at Mangaldan sa Pangasinan sapagkat halos 80 porsiyento na ang nawawala sa kanilang benta mula ng manalasa ang fishkill noong a-veinte neuve ng Mayo.
Samantala, ang pitong bayan sa paligid ng lawa ng Taal ay isinailalim na sa state of calamity sapagkat matindi rin ang naging dagok ng fishkill sa kanila. Naglabas na ng P 10 milyon ang pamahalaang panglalawigan upang matulungan ang mga mangingisdang hirapan ngayon. Ang salapi ay para sa mga mangingisdang mula sa mga bayan ng Laurel, Talisay, Agoncillo, San Nicolas, Alitagtag, Cuenca at Sta. Teresita.
Isinisi ng Malacanang ang pangyayaring ito dahilan sa paglalagay ng napakaraming fingerlings sa mga fishpen. Itinatanggi naman ito ng mga lokal na opisyal. Nakatakdang ipag-utos ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang paggiba sa mga illegal na fishcages sa Batangas.
Kahit na ang mga taga-Metro Manila ay maingat sa kanilang pagbili ng bangus, ang pambansang isda, sa pangambang baka nagmula sa mga pook na may fishkill ang kanilang mga ipinagbibili. Nakabantay naman ang mga autoridad sa pagpasok ng mga isdang mula sa iba't ibang lalawigan. Maraming mga Pilipino ang bumibili ng bangus at naging bahagi na ng kanilang mga hapag kainan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |